👤

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10 Taon/Seksyon Pangalan: Magulang: Iskor: _Lagda ng Testi: Pagpipilian Panuto:Basahin mabuti at unawain mo ang sumus. Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot. 1. Ang mga sumusunod ay katangian ng mitolohiya, maliban sa isa. a. Kabayanihan ang tema nito. b. Hinalaw ang kanilang mitolohiya sa mga Greek. C. Pumapaksa sa politika, ritwal at moralidad. d. Iliad at Odyssey ang naging pambansang epiko. 2. Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang tuluyan? a. Nagsasalaysay ito ng pinagmulan ng isang bagay o lugar. b. May taglay na talinghaga. c. Nagsasalaysay ito ng mga pangyayaring may kaugnayan sa mga diyos at diyosa, d. Nagpapahayag ng opinion hinggil sa isang paksa o isyu. 3. Alin sa mga sumusunod ang nagpahayag ng tunay na pagmamahal ng mitong Cupid at Psyche? a. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid, binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi. b. Pinayuhan ni Psyche ang kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw na asawa. C. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid. d. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid. 4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na "Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala". a. Walang pag-ibig kung walang tiwala. b. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala. C. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala. d. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay. 5. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao? a. Oo, upang madaling magkaunawaan ang Diyos at tao. b. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao. C. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao. d. Hindi, sapagkat ang Diyos ay nasa langit at ang tao'y nasa ibaba lamang. 6. Sino ang diyosa ng kagandahan? a. Venus b. Vesta c. Minerva d. Psyche 7. Siya ang labis na hinahangaan at sinasamba ng kalalakihan. . a. Venus b. Vesta c. Minerva d. Psyche 8. Ang pagkain ng diyos-diyosan. a. Tinapay b. ambrosio c. ambrosia d. wala sa nabanggit 9. Sumibol ang pag-ibig sa puso ni Cupid nang masilayan niya si Psyche. a. Aksyon b.karanasan c.pangyayari d. proseso 10. Natuwa si Cupid nang ipagkaloob ni Jupiter ang ambrosia kay Psyche. a. Aksyon b.karanasan c.pangyayari d. proseso 11. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinion tungkol sa tiyak na paksa. a. Dula b.tula C. maikling kuwento d. sanaysay 12. Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay. a. Panimula b. gitna c.tema d. wakas​