👤

B. Igawa ng ulat ang nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng panayam.
Kraytirya sa Paggawa ng Ulat: Maaring gumamit ng bond paper para sa pagbuo ng Ulat
a. Pagsasaayos at Pagbubuo Ulat b. Paggamit ng Instrumento (Tools), banghay o balangkas sa pagbubuod o paglalagom (Hal. tsart, graph o talangguhit , concept map, at iba pa).
c. Paliwanag sa implikasyon ng nabuong ulat sa pagtupad ng mga pamilya sa pamayanan sa mga papel na panlipunan at pampolitikal nito gamit ang mga gabay na tanong sa ibaba.
Mga Tanong:
1. Karamihan ba sa mga pamilyang napabilang sa iyong survey ay nagagampanan ang kanilang papel na panlipunan at pampolitikal? Ano ang implikasyon nito sa pamayanang inyong tinitirhan? Ipaliwanag.
2. Paano ipinakikita ng mga pamilyang ito ang pagganap nila sa kanilang papel na panlipunan at pampolitikal? Maglahad ng mga halimbawa.
3.Ayon sa mga pamilyang ito, bakit mahalaga ang pagganap sa mga papel na panlipunan at pampolitikal ng pamilya? Ipaliwanag.
4. Ayon sa iyong survey, ano-ano ang pangangailangan ng pamilya? Ilahad ang mga ito.
5. Ayon sa iyong survey, natutugunan ba ng pamahalaan ang mga pangangailangan ng pamilya? Pangatwiranan.​