👤

Ang mga sumusunod ay ang iba’t-ibang hakbang sa paggawa ng compost pit. Pagsunudsunurin ang bawat hakbang sa pamamagitan ng pagsulat ng bilang sa patlang.

_____Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy, manok, at baka.

_____Humanap ng medyo mataas na lugar.

_____Hukayin ito ng dalawang metro ang haba, luwag at lalim.

_____Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang nabubulok at mga pinagbalata ng gulay at prutas.

_____Uulitin ang ganitong pagkasuno-sunod ng damo, nabubulok na basura, dumi ng hayop, abo, at lupa hanggang sa mapuno ang hukay.

_____Patagalin ng tatlong buwan o higit pa upang mabulok. Kunin ang compost sa pamamagitan ng pagsasala gamit ang metal screen na maliliit ang mga butas.

_____Sabugan ito ng abo, at patungan ng lupa.