👤

Panuto: Piliin mula sa loob ng kahon ang tinutukoy na mga uri at bahagi ng Liham
pangkaibigan. Isulat ang sagot sa patlang na inilaan.

_____________ 1. Isinusulat ito upang mailahad ang di pagtanggap sa isang
imbitasyon. Sinusulat din dito ang dahilan sa nasabing di-pagtanggap. _____________ 2. Pangalan ito ng taong sumusulat.
_____________ 3. Nakalahad sa liham na ito ang mahabang detayle ng okasyon tulad ng ano ito, kalian, at saan magaganap ang pagtitipon.
_____________ 4. Nakasaad dito ang pinagmulan ng liham ng sumulat. _____________ 5. Madalas ginagamitan ito ng mga parirala tulad ng nagmamahal
mong kaibigan, gumagalang, nagpapasalamat, at iba pa.
_____________ 6. Ipinapabatid ng liham na ito ang mga pangyayari o nais ipaalam na kaganapan sa buhay ng sumusulat.
_____________ 7. Ito ay liham pangkaibigan na nagpapakita ng pakikiisa sa
kalungkutan o nararamdaman ng sinusulatan.
_____________ 8. Nagtataglay ito ng mga bagay na nais sabihin ng sumulat.
_____________ 9. Nakasaad sa liham na ito ang pagtiyak sa pagdalo at kung ilan ang dadalo.
_____________ 10. Pinakasimulang pagbati ng isang sumulat sa kanyang sinusulatan.

Pagpipilian: KATAWAN NG LIHAM, PAGBABALITA, PAGTANGGAP
PAGTANGGI, LAGDA, PAMUHATAN,
PAKIKIRAMAY, PAANYAYA, BATING PAMBUNGAD,
BATING PANG WAKAS