Sagot :
Answer:
Ang isang pangungusap na nagpapahayag ng ekspresyon ng katotohanan ay may nakalap na datos, pag-aaral, pananaliksik at suportang impormasyong na nagpapatunay na ito'y tama o mabisa para sa lahat. Kapag nagpapahayag ng katotohanan, kailangan maging tumpak at wasto ang mga pahayag, salita, at gramatikang gagamitin sa pagpapapahayag.
Mga Ekspresyong nagpapahayag ng Katotohanan. Ang mga sumusunod ay ginagamit upang ipahayag ang ekspresyon ng katotohanan.
.Batay sa pag-aaral, totoong
.Mula sa mga datos na aking nakalap, totoong
.Ang mga patunay na aking nakalap ay
.Ayon sa mga dalubhasa, napatunayan na