👤

A. Isulat ang HAVEY kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at WALEY naman kung kasinungalingan. 1. Ang salitang heograpiya ay nagmula sa wikang Greek nageo o daigdig at graphia o paglalarawan. 2. Upang higit na mapadali ang pag-aaral saheograpiya ay binalangkas ang Limang tema nito. Kabilang sa limang tema ng heograpiya ang lokasyon, lugar, relihiyon, interaksyon at paggalaw. 3.Upang malaman ang relatibong lokasyon ng isang lugar ay kinakailangang gamitin ang mga imahinasyong guhit tulad ng latitude line at longitude line. 4. Mayroong apat na pagkakahati ang globo. Isa sa mga humahati nito ay ang Equator na naghihiwalay sa Eastern Hemisphere at Western Hemisphere. 5.Matatagpuan sa Greenwich, England ang prime meridian. 6.Isang malaking salik ang klima ng isang lugar sa pagkakaroon ng iba'ti bang species ng mga halaman at hayop dito. 7.Si Alfred Wegener ang nagsulong ng Continental Drift Theory na nagsasabing ang magkakaugnay noon ang mga kontinente. Ang mundo raw ay binubuo ng isang super kontinente na kung tawagin ay Gondwana. 8. Topograpiya ang tawag sa pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. 9. Malaking salik ang katangiang pisikal ng isang lugar sa pag-unlad ng kabihasnan ng Mga tao. Ang mga kauna-unahang kabihasnan sa daigdig at umusbong malapit sa mga lambak-ilog. 10.Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Ito rin ay nagtataglay ng Pinakamaraming bilang populasyon at bansa sa buong mundo.​