👤

5. Kabihasnang pinagmulan ng mga Aryan at Dravidians​

Sagot :

Answer:

Sinasabing ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus.

Planado at malalapad ang kalsada nito.

Ang mga gusali ay hugis parisukat at ang mga kabahayan ay may malalawak na espasyo.

Ang pagkakaroon ng mga palikuran ng mga kabahayan ay itinuturing na kauna-unahang paggamit sa kasaysayan ng sistemang alkantarilya o sewerage system.

Sinasabing ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus. Ang mga Dravidian ay nanirahan sa maliliit na pamayanan.

Aryan – Sila ay matatangkad at mas maputi kung ihahambing sa mga Dravidian. Dumating sila sa panahong mahina na ang kabihasnang Indus. Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang “Marangal” sawikang Sanskrit. Ito ay ginamit upang tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi.

Isang lumang paliwanag ang teorya na ang MohenjoDaro at Harappa ay nawasak dahil sa paglusob ng mga pangkat nomadiko – pastoral mula sa gitnang Asya kabilang na ang mga Aryan. Walang malinaw na ebidensya na naglabanan nga ang mga Dravidian at Aryan na nagdulot ng pagkawasak ng kabihasnang Indus.

Ang Panahong Vedic (1500 – 500 B.C.E.)

Ang mga Aryan ay nagtungo pakanluran sa Europe at patimog silangan sa Persia at India. Dinala nila sa mga rehiyong ito ang wikang tinatawag ngayon na Indo European. Ang Sanskrit, ang wikang klasikal ng panitikang Indian, ay nabibilang sa pamilyang Indo-European. Ang mga makabagong wika tulad ng Hindi at Bengali ay nag-ugat din sa Indo -European.

Ang kaalaman ukol sa unang milenyo ng pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at hilagang-kanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag na Vedas. Ito ay ang Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda, at Atharva Veda. Ang Vedas ay tinipong akda ng mga himnong pandigma, mga sagradong rituwal, mga sawikain at mga salaysay. Masasaksihan sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan sa pagitan ng 1500 B.C.E. hanggang 500 B.C.E. Ang mga panahong ito ay tinatawag din bilang panahong Vedic.

Explanation:

Ctto