____1.Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Alin ang nagsasaad ng kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu? A.Ang pag-aaral ng kontemporaryong isyu ay nagpapalakas ng sandatahang militar. B.Nakatutulong sa pagsugpo sa lumalaking populasyon. C.Naging batayan ito sa pagsugpo ng bullying. D.Nasusuri at natataya ang sanhi at epekto ng mga isyu na nagbibigay ng malawak na kaalaman ng tao.
____2.Bakit mahalaga ang pag-aaral ng kontemporaryong isyu? A.Dahil masaya ka pagnakakasagot sa mga tanong tungkol sa mga pangyayari. B.Dahil asignatura ito sa grade 10. C.Dahil napapanahon na ang mga isyung ito. D.Dahil nakatutulong ito sa pagkakaroon nang matalinong pagdedesisyon.
_____3.Bakit kailangan ang masusing pagsusuri sa mga kontemporaryong isyu? A.Upang mapakinabangan ng personal ang kalalabasan nito. B.Upang maayos na maihatid sa mga kapitbahay ang impormasyon. C.Dahil may malaking epekto ito sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan. D.Dahil pangyayari ito sa kasalukuyan.
____4.Bakit kailangang bigyang solusyon ang mga suliraning pangkapaligiran? A.Upang magkaroon ng gawain ang mga nasa kinauukulan B.Upang mailigtas ang likas na yaman sa kalagayan nito ngayon C.Upang maintindihan ng tao ang kahalagahan ng mga ito D.Upang maging maunlad ang ekonomiya ng bansa
____5.Bakit patuloy ang paglala ng mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan ng Pilipinas sa kasalukuyang panahon kahit may pagpapatupad ng batas, programa at proyektong nagbibigay proteksyon sa kalikasan? A.Dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon na nagpapataas ng demand ng tao B.Dahil sa mapang-abuso at maaksayang paggamit ng likas na yaman C.Dahil sa kawalan ng disiplina ng tao D.Lahat ng nabanggit
____6.Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran? A.Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran. B.Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan. C.Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran. D.Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran
____7.Si Karen ay nakatira malapit sa ilog. Araw-araw ay naglilinis siya ng paligid niya. Isang araw nakita niya na itinatapon ng kanyang kaibigang si Rose ang mga basura nila sa ilog. Kung ikaw si Karen, ano ang iyong gagawin? A.Pagalitan si Rose at hnding hindi na kakausapin pa B.Dalhin si Rose sa Police Station C.Ipaliwanag kay Rose ang magiging bunga ng kanyang gawain D.Huwag pansinin ang ginagawa ni Rose
____8.Ang mga sumusunod ay tamang paraan upang mabigyan ng solusyon ang pagdami ng solid waste sa bansa MALIBANsa A. Waste Segregation C. Pagsunog ng mga basurang biodegradable B. Proper Waste Disposal D. 3Rs
____9.Alin sa mga tumusunod na pahayag ang HINDI TAMA ukol sa Climate Change? A.Ang climate change ay isang natural na pangyayari o kaya napapalala dulot ng gawin ng tao B.Ang climate change ay hindi pa nangyayari na sa kasalukuyang panahon C.Ang climate change ay hindi na mapipigilang pang mangyari D.Ang mga sakunang dala ng climate change ay dapat na pinaghahandaan
____10.Ang mga sumusunod ay mga suliraning pangkapaligiran na dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan MALIBAN sa isa A. El Nino B. La Nina C. Global Warming D. Inflation