Sagot :
° RELIHIYONG KRISTIYANISMO
□ Ang Kristiyanismo ay isang relihiyong
monoteista (naniniwala sa iisang diyos lámang)
na nakabatay sa búhay at pinaniniwalaang mga
katuruan ni Hesus na pinaniwalaan ng mga
Kristiyano na isang tagapagligtas at mesiyas ng
Hudaismo. Ito ay ang pinakamalaking relihiyon
sa kasalukuyan sa buong daidig na may higit
kumulang sa 2.1 bilyong táong kasapi nito.
Ang Kristiyanismo sa simulang kasaysayan
nito noong mga maagang siglo nito ay hindi
isang nagkakaisang kilusan ngunit binubuo ng
mga pangkat na may mga magkakatunggaling
pananaw na gumagamit ng mga iba't ibang
kasulatan.[1] Ang kanon ng Bagong Tipan (na
tinatanggap ng marami ngunit hindi lahat ng
Kristiyano sa ngayon) na nabuo lamang noong
ika-4 siglo CE ang kanon na pinagpasyahan ng
isang pangkat ng Kristiyano. Sa karagdagan,
ang mga kasunduan sa teolohiya ay nabuo
lámang sa mga Unang Pitong Konsilyo na
nagsimula lamang noong ika-4 siglo CE kung
saan ang pangkat na nanalo sa mga halalang
ito ang naging ortodoksiya. Ang mga
konsehong ito ay sinimulan ni Emperador
Constantino upang maabot ang isang
pagkakaisa ng mga magkakatunggaling
sektang Kristiyano sa kanyang Imperyong
Romano. Sa mga konsehong ito na kinondena
ng nanalong ortodoksiya ang kanilang mga
katunggaling sektang Kristiyano na natalo sa
mga halalang ito bilang mga eretiko. Ang
ortodoksiya ang ginawang opisyal na relihiyon
ng Imperyo Romano ni Emperador
Theodosius I at kanyang sinupil ang ibang mga
sektang Kristiyano gayundin ang mga
relihiyong pagano na katunggali ng
ortodoksiyang ito. Kalaunan, ang ortodoksiya
ay nagkabaha-bahagi sa iba't ibang mga
pangkat dahil sa mga hindi mapagkasunduang
doktrina.
Ang mga pagkakabaha-bahaging ito ay
nagpapatuloy pa rin hanggang sa
kasalukuyang panahon dahil sa mga iba't ibang
magkakatunggaling interpretasyon tungkol sa
tunay na kalikasan at mga katuruan ni Hesus.
Ang mga karamihan sa mga sektang ito ay
nag-aangkin na sila ang isang totoong
simbahang Kristiyano at ang ibang mga
sektang Kristiyano ay hindi totoo.