Sagot :
Answer:
1. SEARCH ENGINES
Ang search engine ay isang kagamitan sa internet upang mabilis ang paghahanap sa isang
partikular na paksa o impormasyon. Kinakailangan ang search engine upang mapadali ang
pagkuha ng mga tekstwal at audio-biswal na mga impormasyon sa malawak na mundo ng
world wide web.
2. BROWSER BASICS
Kinakailangan na matutunan natin ang mga simpleng pamamaraan sa paggamit ng browser
gaya ng “opening links in new window”, paggamit ng bookmarks, pag-eedit ng URLs o ang
website address, pagbubura ng tinatawag na “browser cache” at iba pang mga basic skills na
kinakailangan natin pag-aralan upang tayo ay maging bihasa sa paggamit ng computer at ng
internet.
3. MICROSOFT OFFICE
Ito ay isa pinakatanyag at pinakapaki-pakinabang sa ating industriya ngayon. Ang Microsoft
Office ang dahilan kung bakit mayroon tayo ngayong applications katulad ng Microsoft Excel
(isang programang pang-spreadsheet), Microsoft Word (isang programa kung saan maaaring
bumuo ng mga salita at sanaysay) at Microsoft PowerPoint (isang programa kung saan maaari
kang gumawa ng presentasyon).
Ang tatlong ito ang mga pangunahing uri ng software na programa ngayon. Dahil sa pagunlad
ng teknolohiya, ito rin ang pangunahing ginagamit ng maraming mga
naghahanapbuhay upang mapadali ang kanilang gawain o trabaho.
Microsoft Word
Ang Microsoft Word ay bahagi ng hanay ng mga applications sa Microsoft Office. Ito ay
ang pinakatanyag at pinakamadalas na ginagamit na Word Processor sa mundo.
Microsoft Excel
Ang Microsoft Office Excel (mas kilala sa tawag na MS Excel o Excel) ay isang uri ng
electronic spreadsheet program na dinevelop ng Microsoft.