Karagdagang Gawain Panuto: Lagyan ng T kung ang pahayag ay tama at M naman kung hindi ginagawa o wala sa akdang binasa. Isulat ang sagot sa sagutang papel. __1. Ipinukol ni Ibrah ang nananabik na paningin sa sanggol na hawak pa rin ng panday. __2. "Babae! At malusog na malusog!" mataginting na wika ng panday habang binibihisan ang bagong silang na sanggol. __3. Binuhusan ng tubig ang ulo ng bata. 4. Sinundo ang pandita para maisagawa ang seremonyang bang. __5. Ibinulong ng Imam sa kanang tainga ng sanggol ang bang. __6. "Ngayon isa ka nang ganap na alagad ni Allah, nawa'y panatilihin mo ang magagandang aral niya," __7. Ilang araw bago sumapit ang paggunting, napag-usapan ng mag-asawa ang ipapangalan sa anak. __8. "Kaygandang pangalang Abdullah. Bagay na bagay talaga sa ating anak," __9. Ilang sandali pa'y dumating na ang Imam at ibang pandita. Sa saliw ng Balyanji, isang katutubong awit, sinimulan na ang bang. __10. "Wala ni isa mang hibla ng buhok ang lumubog sa tubig!" sigaw ng karamihang nakapaligid.