Dugtungan ang kuwento upang maging ganap na alamat.
Isulat ito sa mga guhit na nasa ibaba. Maraming taon ang nakalilipas may isang pook noon na kalapit ng Maynila at Makati ang di pa nakikilala. Ang lugar na ito ay may malawak na lupa na kung umuulan ay halos nagiging isang malawak ding putikan. Sa pook na ito ay may isang pamilya na may payak lamang na pamumuhay, ito ay ang mag-asawang Pablo at Lina na ang ikinabubuhay ay ang paghahayupan tulad ng pag-aalaga ng kambing, kalabaw, kabayo at manok. Ang mag-asawa ay may magandang dalagang anak na nagngangalang Paz. Kahit sa simpleng buhay ay nagawa ng mag-asawa na mapag-aral ang anak na si Paz. Pangarap nilang mapagtapos ito ng karera sa kursong Komersyo at matulungan sila sa buhay. “Anak inaasahan ko na tatapusin mo ang iyong pag-aaral para matulungan mo kami ng iyong ina.” Pakiusap ni Mang Pablo. “Opo itay, ipinapangako ko po sa inyo na makakatapos ako.” Sa kanilang pook ay wala nang hihigit pa sa kagandahan ni Paz na minana niya sa kanyang mga magulang.