👤

Ang relihiyon mula pa noon ay bahagi na ng kultura ng sinaunang pilipino. sa lahat ng pagkakataon sila ay sumasangguni sa mga kinikilala nilang mga diyos .ito ang dahilang bakit itinuturing na pagano ang mga ninunong pilipino noon. naniniwala sila na lahat ng nangyayari sa kanilang paligid ay palatandaan na kinagigiliwan sila o kinapopootan ng mga diyos. kinikilala nilang diyos ang araw, hangin, kabundukan o anumang sa kanilang kapaligiran ito ay tumutukoy sa animismo. ang kaluluwa ng kanilang mahal sa buhay o kamag- anak ay tinatawag nilang anito ay kabilang sa itinuturing nilang diyos at sinasamba din nila. sa anumang kaganapan sa pamumuhay nila gaya ng pagkakasakit,pagkamatay,pagbagyo at pagkapeste ng mga alagang hayop,mga kalamidad at masaganang ani ay kalooban ni bathala. si bathala ang kiniklalang diyos ng mga tagalog.sa bawat pagsamba ng mga katutubo mahalaga ang pangunguna ng kinikilala nilang paring tagapamagitan na babaylan o katalonan. karaniwang babae ang babaylan na nagsasagaw ng ritwal ng pag-aalay at panggagamot.mahalaga ang kanilang tungkulin sa barangay katunayan sinasangguni sila ng datu sa kaniyang pagpapasya. ang paniniwala sa kabilang buhay ng mga ninunong pilipino ay pinatutunayan sa paraan ng paglilibing sa kanilang yumaong mahal sa buhay sa pamamagitan ng mummification o pag-embalsamo ng mga ifugao. nananatiling buo ang katawan nito sa mahabang panahon na nakalagay sa mga banga at nakalibing sa mga kuweba o mga puno na may kasamang gamit.ito ay pinaniniwalaan nila na magagamit ng yumao sa kabilang buhay.ang pangalawang pagliliping ay isinagawa naman kung ito ay kalansay na pinipintahan ng pulang pintura bago ilagay sa banga o.tapayan.maaari nila itong dalhin saan man sila lumipat ng tirahan. may iba pang natutuhan gawin ang mga sinaunang pilipino gaya ng paggawa ng sasakyang pandagat o balangay at mga bangka.sagana sa mga punong kahoy ang ating kagubatan kaya naging madali para sa ating mga ninuno ang paggawa ng balangay at mga bangka. sanay maglayag ang mga sinaunang pilipino na nakatir