👤

gumawag ng Sanaysay na Nagbibigay ng Impormasyon​

Sagot :

Answer:

 Kapag may lindol, hindi natin maiwasang hindi maging taranta. Sa sanaysay na ito, narito ang mga dapat gawin kapg lumindol. Una, maging kalmado. Kung ikaw ay nasa loob ng isang matibay, maayos na gusali o bahay. Manatili na lamang sa loob nito. Pangalawa, dumapa sa ilalim ng matibay na mesa at humawak dito, o protektahan ang ulo ng inyong mga kamay. Hanggat maaari ay buksan ng madalian ang pinto para makalabas. Lumayo sa mga bintana na nababasag, cabinet at iba pang mabibigat na bagay. Pangatlo kung ikaw ay nasa labas, lumayo sa may mga balakid. Lumayo sa mga punong kahoy, poste ng kuryente, at mabibigat na istraktura. Kung malapit sa dalampasigan at nakaramdam ng lindol, lalo na kung may kalakasan, pumunta sa mataas na lugar. Maaaring magkaroon ng Tsunami.

 Kung nakasakay ka sa sasakyan, huminto at lumabas ka! Huwag tangkain na bumagtas sa tulay, overpass, o sa mga flyovers na maaaring masira. Maging handa sa aftershocks kapag ang pagyanig ay huminto, lumabas ng dali–dali sa gusali nang maingat. Kung gagawin natin ang mga ito sa oras na mismo ng lindol, hindi tayo mapapahamak. Ugaliin nating iaplay lahat ng natutunan natin nang sa ganoon makatulong ito kapag nasa sitwasyon na tayo ng sakuna

PA BRAINLIEST PO TY