👤

sanhi ng laganap na kahirapan
bunga ng laganap na kahirapan​


Sagot :

Answer:

Mga Sanhi at Bunga ng Kahirapan sa Pilipinas

ladla ladla

5 years ago

Advertisements

Mga Sanhi at Bunga ng Kahirapan sa Pilipinas ni: Roxanne Gregorio

Korupsyon

Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na ang Pilipinas ang isa sa may pinakakurap na gobyerno sa mundo kung kayat hindi komportable ang ibang bansa na mamuhunan o tumulong sa bansa dahil kadalasan ay ibinubulsa lamang ito ng mga politiko. Ang pagiging korap ng mga politiko ang isa sa mga dahilan kung bakit naghihirap ang bansa. Noong nakaraang bagyong Yolanda, mahigit labing-walong bilyon ang ibinigay ng limamput-anim na bansa kagaya ng Australia, Bahrain, Taiwan, at Amerika para sa mga nasalanta ng bagyo ngunit ni katiting ay walang napunta sa mga tao (Rappler, 2013). Saan nga ba napupunta ang mga pondo ng gobryerno para sa mga mahihirap? Ibinubulsa nga lang ba nila ang lahat ng ito?

Isa pa rito ang nangyaring pork barrel scam o kilala rin bilang Priority Developemnt Assistance Fund (PDAF) scam noong Hulyo ng 2013. Isa itong naging malaking eskandalo sa Kongreso. Base sa naganap na imbestigasyon, mahigit sampung bilyon ang ibinulsa ni Napoles at ibang miyembro ng Kongreso. Bukod pa roon, 900 milyong piso ang nawalang pera mula sa Malampaya gas field. Pero bakit nga napakakorap ng mga politiko sa ating bansa. at sa sobrang korap natin ay nagmumukha na tayong katawa-tawa sa ibang bansa. kailan ba ito nagsimula? Makokonekta ba natin ito sa kolonyalismo.

Kasakiman

Dahil sa sobrang kasakiman ng ilang mga Pilipino, mas pinipili nila ang ipagbili ang kanilang mga sarili sa mga taong may kapangyarihan. Minsan hindi na nakukuntento ang ibang tao sa mga biyayang natatanggap nila at sa sobrang gusto nilang yumamaan o umakyat sa itaas, kadalasan ay nandadamay at humahatak sila ng ibang tao pababa. Ang isa sa mga halimbawa nito ay ang tanim-bala iskam na hanggang ngayon ay laganap pa rin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ayon sa CNN, nagsimula ito noong Nobyembre ng 2015 pagkatapos magreklamo ng isang pasahero na wala siyang kinalaman sa natagpuang bala sa kanyang bagahe. Sinasabing may isang malaking sindikato ang nasa likod ng mga kababalaghang nangyayari sa establesimiyentong ito at kasabwat rin ang ilang mga seguridad na tauhan ng paliparan. Mayroon nang halos tatlumpung kaso na ang naitaya noong taon ng 2015 (CNN, 2015).