Isang kapuri-puring proyekto ang sinimulan ng mga guro’t magulang pati na ang mag-aaral sa Mababang Paaralan ng Lungsod Mandaue noong nakaraang taon. Bawat pangkat ay nagtanim ng mga halaman, gulay sa ibat’ ibang sulok ng paaralan. Ito’y nagpapaganda ng paligid at nagbibigay rin ng lilim. Tumulong ito sa pagsugpo ng polusyon, baha, at unti-unting pagkaanod ng lupa. Ang punongkahoy ay naging tirahan ng mga ibong kumakain ng mga insektong sumisira sa mga pananim.
Tanong: Ano ang proyekto ng mga guro, magulang at mga mag-aaral ng Mababang Paaralan ng Lungsod ng Mandaue?
Saan nakatira ang mga ibong kumakain ng mga insektong sumisira ng mga pananim?