1. Ang bawat tao ay may taglay na dignidad. Ikaw at ang lahat ng tao ay “unrepeatable “o hindi mauulit. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Ikaw ay nilikhang obra maestra sa wangis ng Diyos.
B. Ikaw ay dumadaan sa proseso ng pag-unlad habang lumalaki at nagkakaedad.
C. Ikaw ay hindi magagawang palitan ng teknolohioya at siyensya, kung sino ka, maging ang iyong buhay at kasaysayan.
D. Ikaw ay minsan lamang isisilang sa mundong ito, nag-okupa na ng espasyo na hiwalay sa ibang sanggol at walang eksaktong taong katulad mo.
2. Hinango ang salitang ito sa Latin - ‘dignitas’, nangangahulugan ng likas at hindi na kailangang paghirapang halaga ng tao.
A. puri B. dangal C. dignidad D. reputasyon
3. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
A. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan.
B. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya.
C. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig.
D. Sa kanilang dignidad at ang mga karapatang dumadaloy mula rito.
4. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?
A. Lagi siyang bigyan ng pagkain at pera araw-araw.
B. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa kanya.
C. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang respeto sa kanyang sarili.
D. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng
disenteng buhay.
5. Ang sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:
A. Isaalang-alang ang kapwa bago kumilos
B. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa
C. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
D. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Pag-isipan kung ang mga sitwasyon ay ay halimbawa ng kilos na nagpapahalaga sa dignidad ng tao. Isulat ang TAMA kung Oo at MALI naman kung hindi . Gawin ito sa sagutang papel.
______6. Sa halip na tawagin sa kaniyang tunay na pangalan, “Boy Lampa” ang naging bansag ng magbabarkada sa kamag-aral nilang si Vincent.
______7. Lubhang nahihirapan sa mga aralin si Albert dahil sa wala siyang maayos na internet connection, ngunit patuloy siyang nagsisikap na matuto at hindi nahihiyang magtanong sa guro. Tinutulungan din siya ng kanyang kaibigang si Joshwel sa mga araling hindi niya naiintindihan.
______8. Nais sanang magbigay ni Aira ng suhestiyon sa gagawing sorpresa para isang Charity institution, ngunit sinaway siya na kaniyang kuya Jessie at sinabihang bata pa ito at walang alam kaya’t huwag nang sumali at makialam pa sa usapan.
_____9. Nasaksihan ni Ria ang pananakit ng isang “bully” sa kanyang kaibigan. Iwinaksi niya ang takot at nagpasyang magsabi sa kanyang magulang ng kanyang nasaksihan upang matulungan ang kaibigan.
____10. Umiiyak si Jocelyn sa kaniyang mga kaibigan habang nagkukuwento ng kanyang mga suliranin. Sa loob-loob ng kaniyang isang kaibigang si Jasmine ay wala naman siyang magagawa dahil ganoon naman talaga kapag mahirap lang ang tao.