👤

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at suriin kung aling konsepto ng wika ito maaaring maiugnay. Isulat sa patlang ang iyong kasagutan.

_____________________1. Ipadadala ka sa isang lugar sa lunsod ng Heneral Santos na kung saan ang mga tao ay nagkakagulo at hindi nagkakaunawaan kahit sa simpleng bagay lamang. Ang iyong misyon ay maiparating sa kanila ang mensahe ng ating alkade tungkol sa kapayaapaan at kaginhawaan ng pamumuhay kung ang lahat ay magkakaunawaan. Sa aling konsepto ng wika ito maaaring maiugnay?

_____________________ 2. Nais mong magpadala ng sulat sa iyong minamahal na mag magulang sa lungsod na iyong nilisan. Anong konsepto ng wika ang maaari mong gamitin?

_____________________ 3. Nanalo ka bilang pangulo ng isang organisasyon sa inyong paaralan. Sa mga susunod na araw ay magkakaroon ng unang pagpupulong ang nasabing organisasyon at bibigyan ka ng pagkakataong magsalita. Anong konsepto ng wika ang maaari mong gamitin?

_____________________ 4. Napabilang ka sa mga magiging panauhin sa gagawing “presscon” tungkol sa mga pamamaraan ng pagpapatala sa darating na pasukan. Kaya naman, alam mon gang mga taga-ulat pantelebisyon ay paggamit ng iba’t ibang uri ng lenggwahe sa oras ng pagtatanong. Sa aling konsepto ng wika ito maaaring maiugnay?

_____________________ 5. Namamangha ka sa iyong mga kaklase noong minsang pinasulat kayo ng mga artikulong may kaugnayan sa pandemya, dahil noong bibigyan na kayo ng pagkakataong basahin sa harapan ng klase ang iyong sinulat, karamihan sa iyong mga mag-aaral ay binigkas ang salita ng may iba’t ibang gamit at layunin. Sa aling konsepto ng wika ito maaaring maiugnay?

_____________________ 6. Magpadala ka ng liham paanyaya sa ating punong barangay tungkol sa kanilang maitutulong sa pagsisimula ng Brigada Eskwela. Anong konsepto ng wika ang maaari mong gamitin?

_____________________ 7. Sa iyong katayuan sa kasalukuyan ay maaari kang magsulat ng aklat dahil ikaw ay may maraming alam na wikang maaaring gamitin. Sa aling konsepto ng wika ito maaaring maiugnay?

_____________________ 8. Nais mong mamasukan bilang guro sa isang paaralan sa inyong nayon. Anong konsepto ng wika ang maaari mong gamitin?

_____________________ 9. Natutuwa ka dahil karamihan sa iyong mga guro ngayong nasa Senior High School ka na ay gumagamit ng wikang naaayon sa saligang batas upang umaangat ang antas ng edukasyon ng mga mag-aaral. Ano ang konsepto ng wika na ipinapahayag?

_____________________10. Magtuturo bilang guro sa Filipino si Bb. Lina sa isang pribadong paaralan. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na karamihan sa mga mag-aaral ay nagsasalita ng wikang Ingles. Paano niya maipapaintindi sa kanyang mag-aaral ang kanilang tinatalakay upang mabilis nila itong maintindihan? Anong konsepto ng wika ang maaari niyang gamitin?

_____________________ 11. Nabigyan ka ng pagkakataong magsalita bilang panauhing pandangal sa isang pormal na selebresyon at iyong mga tagapakinig ay mga mag-aaral sa Senior High School ng General Santos City National Secondary School of Arts and Trades. Anong konsepto ng wika maaari mong gamitin?

_____________________ 12. Nais mong mamuhay sa Lungsod ng General Santos dahil napagtanto mong sa lugar na ito ay nanahanan ang iba’t ibang pangkat ng tao at malayang makagagamit ng kanilang wikang nakagisnan. Sa aling konsepto ng wika ito maaaring maiugnay?

_____________________ 13. Hindi mo masyadong maintindihan ang nakasulat sa papel na pangalan ng gamot na kailangan mong bilhin sa isang botika, kaya naman bumalik ka sa ospital at tinanong ang doktor kung ano ang pangalan ng gamot na iyong bibilhin. Anong konsepto ng wika ang kanyang ginamit?

_____________________ 14. Pagsusulat ng tula ang nakahiligan mong gawin sa tuwing dapithapon gamit ang wikang natutuhan mo sa iyong pag-aaral. Sa aling konsepto ng wika ito maaaring maiugnay?

_____________________ 15. Binigyan ka ng pagkakataong magpahayag ng iyong saloobin sa harapan ng mga namumuno sa pamahalaan, at malalaking industriya sa lunsod ng Cotabato tungkol sa Brigada Eskwela sa bagong pamamaraan ng pagtuturo. Aling konsepto ng wika ang maaaring maiugnay ditto