👤

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Sumulat ng talata na nagpapaliwanag sa pagiging makatotohan o di-makatotohonan ng dulang iyong ginawa.





Sagot :

Answer:

Asan yung dulang iyong ginawa?

Answer:

Maaaring makabuo ng iba't ibang pananaw sa larangan ng panitikan. Ang pagkakaiba ng ganitong paghahaka ay nakabatay sa pinag-aralan at kakayahan lalo na sa karanasan sa buhay ng tao. Kawangis nito ang bahagharing may angking sari-saring kulay. Ganyan ang buhay ng tao, iba't ibang gaan at bigat ng mga tanging karanasan. Tumutulong ang panitikan sa pag-unlad ng buong pagkatao ng isang nilalang dahil lumalawak ang kanyang kamalayan at pagpapahalaga sa sarili, sa kapwa, sa lipunan, at sa mundong kanyang ginagalawan. Humihikayat ng malalim na pag-iisip ang panitikan dahil sa katangi-tangi nitong anyo ng karunungang may mataas na antas ng kaisipan, saloobin o damdamin, at pananalita na matatagpuan sa mga tekstong pampanitikan gaya ng mga sinaunang anyo ng kuwento (mito, alamat salaysayin, at pabula), tula, dula, maikling kuwento, nobela, sanaysay, talumpati, at anekdota sa piling lathalain man-sa pasalita o pasulat na kaanyuan. Ang mga akdang nakapaloob sa batayan at sanayang-aklat na ito ay mabisang magagamit ng mga mag-aaral para sa talakayan at pagpapahayag ng kanilang sariling kuro-kuro, saloobin, at pagsusuri. Maaaninag sa nasabing mga katha ang katangi-tangi, masining at malikhaing paraan ng mga manunulat sa paglinang at paggamit ng wikang Filipino. Magaganyak din ang mga guro at mag-aaral sa malikhaing pagsulat at masining na pagpapahayag. Sa pamamagitan ng aklat na ito, nais naming palaganapin ang iba't ibang anyo ng panitikan-sa nilalaman, sa estilo, at sa hinahangad na kakintalan-ang matapat na maakay ang mga mag-aaral sa isang landas ng buhay na marangal, dakila, at makatotohanan at tuluyang magabayan sila ng kanilang mga guro na maging matatag sa gitna man ng mga suliranin sa buhay, pagsubok, karukhaan, pangamba-nariyan dapat ang mga kaisipang di magpapagupo sa mga magaaral na taas-noo pa ring makababangon at makalalakad na may pagpapahalaga bilang mga Pilipino. Maikikintal sa pag-unawa ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng mga katha at akdang nakapaloob sa aklat na ito na magbibigay-daan para sa kanilang mabungang kamulatan. Ito ang nais naming ibahagi sa mga mag-aaral bilang mga guro-isang uri ng panitikang huhubog sa kanilang asal, karakter, at personalidad. Isang panitikang naghahandog ng pagkakataong sila'y makibahagi, makialam, makisangkot, at mapasangkot sa iba pa. Mainam na ang mga guro'y kasangkot sa buong katauhan ng mga mag-aaral-nag-aakay sa kanila sa tuwid na landas hanggang sa sila'y tuluyang mapakilos at matatag na makatayo sa kanilang sariling paa at maging kasangkapan sa maganda at makabuluhang pagbabago ng lipunang Pilipino.

Explanation:

pa brainliest