Sagot :
Answer:
Ekonomiks
Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat ito ay naglalayong pag-aralan ang mga kilos at pagsisikap ng mga tao at ang mga paraan ng paggamit ng mga limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa buhay, at mabuhay ng may dignidad. Tulad ng Agham, ang Ekonomiks ay gumagamit ng siyentipikong pamamaraan upang matugunan ang mga pangyayari sa kapaligiran.
Sang-ayon kay Lionel Robbins, ang ekonomiks ay agham na sumisiyasat sa mga gawi ng tao bilang ugnayan sa pagitan ng mga layon at kapos na sangkap na may alternatibong mga gamit.
Explanation: