Sagot :
Answer:
Ang buong mundo ay nababalot ng takot at kaba sa ngayon dahil sa sakit na covi-19. Kamakailan lamang ng maging isang pandemic ang sakit na dala ng cov-19. Dahil sa pagiging pandemic, maraming lugar at bansa kabilang ang Pilipinas, ang nagdeklara ng lockdown o di kaya community quarantine sa ngayon kung saan ang mga tao ay hindi maaring lumabas sakanilang mga bahay maliban kung sila ay mamimili ng kanilang mga kailangan.
Ito ay unang natala sa bansang China noong disyembre 2019 at ngayon ay naitala na sa iba't ibang bansa sa buong mundo na siyang naging dahilan ng kamatayan ng karamihan. Ang mga sintomas nito ay sipon, ubo at pagiging hirap sa paghinga. Ang sakit na ito ay mabilis na kumalat at nakakamatay kaya naman ay kinakatakutan. Ang COVID-19 ay kumakalat sa pamamagitan ng pag-ubo o di kaya direktong kontak sa isang taong mayroong nasabing sakit. Upang maiwasan ito, irinerekomenda ng gobyernong magkaroon ng social distance ang mga tao sa isa't isa. Irinerekomenda rin ng DOH at WHO ang paghuhugas ng kamay ng mabuti. Sa ngayon, mahigpit na ipinagbabawal ng gobyerno ang paglabas mula sa mga bahay. Takpan rin ang bunganga kung umuubo o hindi kaya bumabahing. Pagkagaling sa labas ay kaagad na magbihis ng damit o di kaya maligo.
Sa mga panahong gaya nito, nararapat na gawin ng bawat mamamayan ang pag-iingat. Ito ay hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para na rin sa ikabubuti ng bawat isa sa bansa. Ang nasabing sakit ay mabilis na kumalat kaya't mainam na gawin natin ang makakaya upang makaiwas sa sakit.
Explanation:
#careonlearning