Tuklasin
Gawain A. Basahin mo ang sumusunod na kuwento. Sagutin ang
mga katanungan sa iyong papel.
Ang ama ni Ben ay laging umiinom ng alak at naninigarilyo.
Umuuwi siya galing trabaho na lasing at halos hindi na matino
kapag kinakausap ng kanyang ina. Pagdating ng sahuran, wala
na siyang matatanggap na sahod dahil nauubos na pambayad
utang sa kanilang kantina. Wala nang natira para sa pagkain at
pangangailangan ng kanyang mga anak. Naging mahirap sa
pamilya ni Ben na makakabili ng masusustansiyang pagkain.
1. Anong masasabi mo sa ama ni Ben?
2. Maganda ba ang ipinakita ng ama ni Ben sa kanyang
pamilya?
3. Ano ang dapat na gawin ng ama ni Ben upang pamarisan
siya ng kanyang mga anak?
riton