👤

B. Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Hindi magkamayaw sa ingay ng pagbabatian at pagbabalitaan ng mga tao sa plasa A. magkarinigan at magkaunawaan C. makapagsalita at makabati B. magkamay at magsayaw D. magkantahan at mag-awitan 2. Nagpapagaraan sa ganda at kulay ang mga arko at banderitas sa kalye, A. nagpaparaanan C. nagpaparayaan B. nagpapagalingan D. nagpapalitan 3. Tuwing pista, naririnig ang bughalit ng mga tugtugin sa perya, mga pondahan, at mga tindahan. A. mahina C. malakas B. malungkot D. mabigat 4. Makukulay na banderitas ang nasa kalye kung araw ng pista. A. bandila ng bansa C. mga parol B. ginupit -gupit na papel panggayak D. kurtina 5. Bukod sa pagtugtog ng banda ng musiko, umaambag din sa saya ng kapistahan ang pagsasalo-salo sa masasarap na pagkain ng mga pamilya at mga panauhin. A. dumarami C. bumabawas B. dumaragdag D. bumabalandra​