Sagot :
1. Kuwento ng Pag-ibig – Ang diwa ng kuwento ay ukol sa pag-
iibigan ng pangunahing tauhan at ng kanyang katambal na
tauhan.
2. Kuwento ng katutubong kulay – Nangingibabaw sa
kuwentong ito ang paglalarawan sa isang tiyak na pook, ang
anyo ng kalikasan doon, at ang uri ng pag-uugali, paniniwala,
pamumuhay at pamantayan ng mga taong naninirahan sa
nasabing lugar.
3. Kuwento ng Tauhan o pagkatao – Nangingibabaw sa kuwentong ito ang isang masusing pag-aaral at paglalarawan sa tunay na pagkatao ng pangunahing tauhan.
4. Kuwento ng kaisipan o sikolohiko – Sinisikap na pasukin ng kuwento ang kasuluk-sulokang pag-iisip ng tauhan at ilahad ito sa mga mambabasa.
5. Kuwento ng katatakutan – Matindi ang damdaming nagbibigay buhay sa kuwentong ganito. Nakapananaig ang damdamin ng takot at lagim na nililikha ng mga pangyayari sa katha.
6. Kuwento ng kababalaghan – Naglalaman ang kuwentong ito ng mga
pangyayaring mahirap paniwalaan sapagkat salungat sa batas ng kalikasan at makatwirang pag-iisip.
7. Kuwento ng katatawanan – Ang galaw ng mga pangyayari sa kuwentong ito ay magaan, may mga pangyayaring alanganin at may himig na nakakatawa ang akda.
8. Kuwento ng talino – Ang kuwentong ito ay punong-puno ng suliraning hahamon sa katalinuhan ng babasa na lutasin. Ang mga kuwentong detektiv o sa paniniktik ang halimbawa nito.
9. Kuwentong pampagkakataon – Kuwentong isinusulat para sa isang tiyak na pangyayari, gaya ng Pasko, Bagong Taon, at iba pa.
10. Kuwento ng kapaligiran - Kuwentong ang paksa ay ang mga pangyayari o bagay na mahalaga sa lipunan o pamayanan.
11. Kuwentong makabanghay o madulang pangyayari – Ang pangyayari sa loob ng kuwento na ang banghay ang siyang nangingibabaw sapagkat dito nasasalig ang maging katayuan o kalagayan ng mga tauhan.
PA BRAINLIESTS