👤

Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon. Magtala ng isang gawaing nagpapakita ng papel na panlipunan at isang nagpapakita ng pampolotikal na papel ng pamilyan. Sundan ang halimbawa sa ibaba.

Halimbawa:

Sitwasyon:
May mga kapitbahay kang nasalanta ng pagbaha.

a. Papel Panlipunan.
Pansamantalang naming patutuluyin sa aming bahay ang mga kapitbahay naming nasalanta sa pagbaha.

b. Papel Pampolitikal.
Pakikiusapan naming ang aming Punong-Barangay na magsagawa ng proyekto na maglinis at magpapahukay ng sapa sa aming barangay upang hindi na ito maging sanhi ng pagbaha.

Subukan mong gawin ito...

Sitwasyon A.
Nasunugan ang ilang pamilya sa isang maliit na eskinita sa inyong barangay.

a. Papel Panlipunan.
_
_
_

b. Papel Pampolitikal.
_
_
_

Sitwasyon B.
Namatay ang sanggol sa sinapupunan ng nanay ng iyong matalik na kaibigan dahil sa kawalan ng pera upang maging regular ang pagpunta ng ina sa doktor.

a. Papel Panlipunan.
_
_
_

b. Papel Pampolitikal.
_
_
_​


Sagot :

Answer:

Sitwasyon A.

A. Papel Panlipunan

Bibigyan ko sila ng mga damit na hindi na sinusuot para may pampalit sila.

B. Papel Pampulitika

Makikiusap sa baranggay na magbigay at maghatid din ng kaunting tulong.

Sitwasyon B.

A. Papel Panlipunan

Mangongolekta ako ng kaunting halaga para ibigay sa kanila at may pang gastos sila kahit papano.

B. Papel Pampulitika

Iisip ng paraan para mapatupad ng batas na kahit walang pera ay magamot ang may sakit dahil mas importante pa ang buhay kaysa sa pera.