👤

1. Ito ay isang komposisyon na kadalasan ay naglalaman ng pananaw o kuro-kuro ng may akda? a. Sanaysay b. tula c. liham d. maikling kwento 2. Ito ay tumutukoy sa isang sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay, at kaakit-akit ang pagpapahayag? a. Sukat b. Tugma c. Tayutay d. tono 3. Ito ay isang tayutay na kung saan ito ay pangungutya o pangaasar sa tao o bagay? a. Pagpapalit-saklaw b. Salantunay c. Eupemismo d. Pag-uyam 4. Ito ay pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan? a. Pagpapalit-saklaw b. Salantunay c. Eupemismo d. Pag-uyam 5. “Ang ganda mo sa picture, Salamat sa filter." Ito ay halimbawa ng anong tayutay? a. Pagwawangis b. Pagmamalabis c. Pag-uyam d. Pagtutulad 6. "Napangiti ang halaman sa aking pagdating." Ito ay halimbawa ng anong tayutay? a. Pagtutulad b. Pagtawag c. Pagsasatao d. Pagmamalabis 7. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang dalawang salitang pinagmulan ng sanaysay ay pagsasalaysay at ? a. Salay b. Sanay c. Saysay d. Sansan​