Sagot :
Answer:
Mahirap magsabi ng totoo lalo na kung hindi natin alam ang kahihinatnan nito. Inaabot ng hindi lang oras kundi maraming panahon at lakas ng loob para masambit ang katotohanan. Kung kaya't sa pagsabi mo ng katotohanan, ipinapakita nito na ikaw ay matatag upang piliing ipahayag kung ano ang totoo kahit na hindi mo alam ang magiging bunga nito. Masasabing ikaw ay matapang, sapagkat handa mong harapin ang magiging suliranin nito maituwid mo lamang ang mga pagkakamali.