👤

Limang lalawiganing wika sa mindanao

Sagot :

Answer:

Ang iba't-ibang mga wika sa Mindanao

Ang mga wika Danao ay grupo ng mga wikang

ginagamit hindi lamang sa Mindanao, kung hindi sa buong Pilipinas narin. Ginagamit ito sa mga lugartulad ng Maguindanao at Maranao, humigit o kumulang sa million ang gumagamit ng nasabing grupo ng mga wika.

Bawat wika sa grupong ito ay may sariling dayalektong tinatawag na Iranun, ang Maranao Iranun ay nagagamit sa Borneo, sa Sabah ng Malaysia.

Ang mga wikang Manobo ay isang grupo ng mga wikang ginagamit sa Pilipinas. Ang gumagamit o nagsasalita nito ay matatagpuan sa Hilagang Mindanao, Sa Gitnaan ng Mindanao, At sa mga lugar malapit at sapaligid ng Caraga.

Ang wikang Subanen ay salitang tribu kung saan sila nagkakaintindihan sa pamamagitan ng kanilang kultura o pananalita, ito rin ay isang katutubong wika na nagmula sa Mindanao partikular sa Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte na nabibilang sa Rehiyon 9 na tinatawag na Rehiyon ng Zamboanga Peninsula. Binubuo ito ng iba’t-ibang dayalekto o wikain. Ang mga ito’y subordineyt ng isang katulad na wika na ginagamit ng mga minoryang etnikong pangkat ng mgaSubanenmulasaBuug, Zamboanga Sibugay at Lapuyan, Zamboanga del Sur.

Ang Maguindanao o Maguindanaon ay isang wikang Awstronesyo na sinasalita ng karamihan ng populasyon ng lalawigan ng Maguindanao sa Pilipinas.Tinatawag din ang wikang ito na Magindanao, Magindanaw at Maguindanaw. Ito ay sinasalita din ng ilang minorya sa iba't-ibang bahagi ng Mindanao tulad sa Lungsod ng Zamboanga, Lungsod ng Dabaw, Lungsod ng Heneral Santos at sa mga lalawigan ng Hilagang Cotabato, Sultan Kudarat, TimogCotabato, Sarangani, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay, pati narin sa Kalakhang Maynila. Ito ang naging wika ng makasaysayang Sultanato ng Maguindanao, kung saan ito'y umiral bago at sa panahon ng mga Kastila mula 1500 hanggang 1891

Ang wikang Tausug ay tinatawag din ang wikang ito na Joloano, Sinug, SinugTausug , Sulu, Suluk, Tausog at Taw Sug. Wikang buhay sa ARMM, lalo na sa probinsiya ng Sulu, Basilan, ilang lugar sa MIMAROPA lalo na sa Palawan at Zamboanga Peninsula,

Explanation:

basahin mo at hanapin mo diyan ang sagot :)