FILIPINO 6 Part 1 Panuto: Basahin ang sitwasyon at isulat ang sagot ng iyong palagay o hinuha sa bawat pangyayari. 1. Pagkauwi ni Johnrey mula sa paaralan ay dumiretso kaagad siya sa bahay ng kaniyang kaklase upang maglaro ng "video games". Sa paglalaro ay hindi namalayan ni Johnrey na takipsilim na. A. Matatakot siya sa pag-uwi. B. Mag-aalala ang kaniyang mga magulang. C. Pagagalitan siya ng kaniyang mga magulang. D. Matutuwa ang kaniyang mga magulang sa kaniyang pag-uwi 2. Maagang na ulila sa ina ang tatlong magkakapatid. Nasa ikaanim na baitang ang panganay. Palaging malungkot ang kanilang tatay, hatinggabi na kung umuwi at lasing pa. A. Inaway nila ang ama. B. Matutuwa ang magkakapatid. C. Maiisipan nilang humingi ng tulong sa pamahalaan. D. Magkakaroon ng malaking problema ang magkakapatid. 3. Maagang gumising si Angelica dahil unang araw ng pasukan. Subalit biglang bumuhos ang malakas na ulan. A. Matutulog na lamang siya. B. Hindi na siya papasok ng paaralan. C. Susuungin ang napakalakas na ulan. D. Hihintaying tumila ang ulan at hihingi ng paumanhin sa guro kung bakit nahuli sa klase. 4. Pagkatapos ng ECO/ Enhance Community Quarantine sa kanilang lugar, parang mga kabute na nagsulputan ang mga tao sa lansangan, gala dito, gala doon. Hindi inalintana ang bilin ng gobyerno na social distancing, palaging magsuot ng mask at huwag munang lalabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan. Ano ang susunod na mangyayari kung patuloy na pasaway ang mga tao? A. Sasakitang tiyan. B. Maraming tao ang magugutom. C. Maraming tao ang manghihina. D. Maraming mahahawaan ng sakit na Covid-19. 5. Ang mga tao sa barangay nila ay mahilig magtapon ng basura. Tapon dito, tapon doon. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang lugar? A. Gaganda ang kapaligiran. B. Matutuwa ang namamasura. c. Lalago ang mga tanim sa paligid. D. Dadami ang mga insekto na maaaring magdala ng mga sakit sa tao