👤

pakinggan at awitin ng boung puso ang "mabuhay ka pilipino" sagutin ang mga katanungan sa napakinggang awitin. lyrics:I

Sandaang taong kasaysayan ang lumipas

Kalayaang pinaglaban, bukang bibig mong binibigkas

Kasarinla’y nakamtan dahil sa dugong ibinuwis

Kasama ng mga luha’t taghoy, pagod at hinagpis


II

Nahan kana sa iyong kinalalagyan…

Sa gitna ng makabuluhan’t makulay mong kasaysayan

Ipadama’t ipagbunyi at panatilihing lagging gising

Sa makabayang mithiin ng puso’t diwa’t damdamin…


Chorus:

Malaya ka na Pilipino kagitingan mo’y isisigaw

Sa buong mundo. Sa buiong mundo

Kasarinlan at kalayaan, { Hinding hindi pababayaan / Patuloy kong ipaglalaban }

Taglay ang bagong anyo ng pag-asa

Pilipino aking { Kapatid / Kaibigan / Kababayan }

Mabuhay ka


III

Kaharap mo ngayon samu’t saring pakikipaglaban

Upang kapayapaan ay makamtan at magapi ang kahirapan

Sa sulungan di papipigil, hindi iiwas

Sa hamon ng kaunlaran lalo kang lumalakas… 1.Ano ang paksa ng awit na iyong napakinggan at inwait? 2.Ano ang mensaheng nais iparating ng napakinggang awit? 3.Ipinangmalaki mo ba na ikaw ay isang pilipino?


Sagot :

Answer:

1.Ang paksa ng awit na aking pinakinggan ay ang mga hirao na dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mananakop.Kung paano sila naging matagumapay at kung paano sila nakipaglaban para sa ating kalayaan.

2.And nais iparating ng awit ay sanay gawin nating inspirasyon lahat ng mga nagawa ng ating mga sinaunang bayani upang makamit ang kalayaan dapat natin silang pahalagaan at bigyan pansin.

3.Oo,pinagmamalaki ko na ako ay isang Pilipino dahil kapag hindi natin mahalin ang ating pagka Pilipino ang amoy natin ay higit pa sa malansang isda.