Sagot :
Answer:
Papel ng Pamilya sa Lipunan
-Ang importante at mahalagang na kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa pakikibahagi at pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay pamilya sa araw-araw. Ang ugnayan sa pagitan ng mga kasapi ng pamilya ay dapat na pinangingibabawan ng batas ng malayang pagbibigay. Ang malayang pagbibigay na ito na ginagabayan ng paggalang at pangangalaga sa dignidad ng bawat isa ay naipakikita sa pamamagitan ng buong pusong pagtanggap, pag-uusap, pagiging palaging naroon para sa isa’t isa, bukas-palad at paglilingkod ng bukal sa puso, at matibay na bigkis at pagkakaisa. Sa loob ng pamilya nagsisimula ang pagiging bukas palad at ang diwa ng bayanihan.
Ang Papel na Pampolitikal ng Pamilya
-Ang papel na pampolitikal ng pamilya ay nagsilbing patnubay sa bawat pamilya. Dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga karapatan at tungkulin nito dahil maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon. Kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod, at nabibigyang-proteksyon sa lipunan, ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki at maging ganap na tao sa pinakamabuting kapaligiran - isang kapaligirang nakatutulong sa paghubog ng mga birtud na dapat taglayin ng isang mapanagutang mamamayan sa lipunan.
Explanation: