Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pag-aralang mabuti ang mga katanungan. Ang titik na nasa simula ang magbibigay ng klu sa tamang sagot. 1. Anong B ang tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Filipino? 2. Anong B ay isang sayaw para sa paglilibing ng yumaong nakaranas ng marahas na kamatayan ng mga Ifugao? 3. Anong K ito ay gamit ng mga taga Bontok na pinatutunog gamit ang ilong? 4. Anong K ang tawag sa diyos ng Ifugao? 5. Anong T ang awit ng paggawa ng bangka?