Sagot :
Answer:
nasaan po ang pelikulang milan
Explanation:
pic niyo po
Para sa akin, ang mensahe na nais iparating ng pelikula ay ang pagiging bukas ng ating mga mata sa tunay na kalagayan ng mga OFW sa ibang bansa. Kadalasan ay iniisip natin na magandang bagay ito sa iba’t ibang konteksto, ngunit, pagdating ng panahon, malalaman din natin na nakakalungkot ang mga karanasan ng mga Pilipino sa ibang bansa. Hindi ko naman sinasabi na masama ang pagiging OFW, ngunit, kung titingnan natin nang mabuti, umaalis ang ating mga kapwa Pilipino sa bansa dahil hindi sila nakontento dito, kung kaya’t sa tingin nila na makakahanap sila ng mas maayos na buhay at trabaho sa ibang bansa. Subalit, kapag naranasan na nila ang mga pagsubok na kanilang hinaharap sa ibang bansa, magkakaroon ng mga pangyayari na kung saan hindi nila naisip na mangyayari. Bakit? Naging bulag sila mula sa malungkot na katotohanan, kung kaya’t nalimutan nila ang kanilang pinagmulan. Mahalaga ang mensaheng ito hindi lang para sa mga OFW, kundi para rin sa bawat Pilipino. Ito ay para mamulat ang kanilang mga mata sa tunay na kalagayan ng kanilang kapwa lahi sa ibang bansa.