Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang tawag sa tirahan ng mga hayop at iba pang bagay na ngayon ay unti- unting nawawasak dahil sa pagdami ng tao at mga proyektong pangkabuhayan? A. biodiversity B. ecosystem C. habitat D. ozone laye17 2. Anong suliranin sa lupa ang tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo na kapag lumaon ay hahantong sa permanenteng pagkawala ng pakinabang o productivity nito? A. biodiversity C. salinization B. desertification D. siltation 3. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mabilis na pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga kagubatan? A. biodiversity C. desertification B. deforestation D. salinization 4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng pagkawala ng biodiversity? A. Patuloy na pagtaas ng populasyon B. Pagkakalbo ng kagubatan C. Pagtatanim ng mga halaman at puno D. Walang habas na pagkuha ng likas na yaman 5. Ano ang tawag sa suliranin sa lupa kung saan lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya ay inaanod ng tubig papunta sa lupa at karaniwang nagaganap sa paligid ng estuary at sa lugar na mababa ang balon ng tubig? A. biodiversity C. salinization B. desertification D. siltation 6. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagbabago ng pandaigdigan o rehiyunal na klima na maaaring dulot ng likas na pagbabago sa daigdig at gawain ng tao? A. biodiversity C. deforestation B. climate change D. ecosystem 7. Ano ang tawag sa lupang may mataas na lebel ng alkaline kung saan ito ay nakasisira ng pananim sapagkat ang dami ng alkali sa lupa ay nakakaapekto sa prosesong bayolohikal at kemikal na nagaganap dito? A. alkalinization C. desertification B. biodiversity D. salinization 8. Anong suliranin ito na tumutukoy sa pagkasira ng lupa dahil hindi nakasasapat ang kapasidad ng damuhan sa laki ng kawan ng hayop? A. deforestation B. overgrazing C. polusyon D. urbanisasyon 9. Ano ang pinakamainam na gawin ng mga mamamayan upang mabawasan at mapigilan ang patuloy na paglaki ng produksyon ng basura? A. Bawasan ang pagkonsumo ng mga produktong solido B. Ipagpaliban ang industriyalisasyon C. Pigilan ang proseso ng urbanisasyon D. Pagtatapon ng mga basura sa wastong basurahan at pagreresiklo18 10. Maraming paraan upang mapigilan ang mabilis na pagkawala ng biodiversity. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na paraan upang maisagawa ito? A. Ipaubaya ang paglutas ng suliranin sa mga lokal na opisyal B. Makibahagi sa mga proyektong may kinalaman sa pagsagip sa kalikasan C. Maging mulat sa mga pangyayari sa kapaligiran D. Tangkilikin ang mga biodegradable na produkto 11. Bakit mahalagang panatilihin ang ecological balance o balanseng kalagayang ekolohikal ng Asya? A. Sapagkat anuman ang maging kalagayan ng ekolohiya ng rehiyon ay tiyak na makaaapekto sa kalidad ng kapaligirang pandaigdig. B. Sapagkat maaaring magdulot ito ng kaguluhan sa lahat ng mga mamamayan sa isang bansa. C. Upang maging mabuting ehemplo sa ibang mamamayan sa iba pang mga kontinente. D. Upang mapanatiling maganda ang ating kapaligiran. 12. Isa sa suliraning kinakaharap sa kasalukuyan ay ang pagtaas ng produksiyon ng basura dulot ng mataas na populasyon. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing epekto ng suliraning ito? A. Kakulangan sa pagkain B. Pagkakasakit ng tao at polusyon sa kapaligiran C. Pagkakalbo ng kagubatan D. Pagtaas ng temperatura ng daigdig 13. Libo-libong tao ang nakiisa sa tinatawag na Earth Hour upang mabawasan ang pagtaas ng katamtamang temperatura sa daigdig. Alin sa sumusunod na mga suliraning pangkapaligiran ang nais tugunan sa pahayag? A. biodiversity B. deforestation C. ecosystem D. global warming 14. Ano ang pinakaangkop na konseptong maaaring mabuo tungkol sa kahalagahan ng ecological balance o balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ang kanilang kapaligiran? A. Anuman ang maging katayuan at kalagayang ekolohikal ay tiyak na makaaapekto nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig. B. Ang wastong laki ng populasyon ay nakapagpapababa ng antas ng suliraning pangkapaligiran at ekolohikal. C. Sa loob ng tahanan nagsisimula ang edukasyon at wastong pagpapalaganap sa paggamit ng likas na yaman. D. Sa kapaligiran nakasalalay ang kinabukasan ng tao sa susunod na henerasyon. Alin sa mga sumusunod ang HINDI masamang epekto ng paglaki ng populasyon sa kalikasan? A. Dumarami ang nangangalaga sa kalikasan B. Mas mataas na pangangailangan ng mga likas na yaman C. Nagbubunsod ng kontaminasyon at polusyon sa mga hangin, tubig at lupa D. Pagtatayo ng mga subdibisyon sa mga sakahan at mabundok na lugar na sumisira sa tirahan ng mga hayo