PAGTATAYA: TAMA O MALI Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung ang pahayag ay totoo at MALI kung hindi. 1. Hazard assessment ang tawag sa pagsusuri sa lawak, sakop at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna. 2. Ang pagsukat sa kahinaan ng isang komunidad sa pagharap sa hazard ay tinatawag na vulnerability assessment. 3. Mayroong tatlong uri ng pagtataya ang Disaster Risk Assessment, ito ay ang Needs Assessment, Damage Assessment at Loss Assessment. 4. Sa Capacity Assessment partikular na sinusuri ang mga istruktura kagaya ng bahay, paaralan, kalsada at iba pa. 5. Ang pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring masalanta ng hazard at ang mga elemento tulad ng gusali at kabahayan na maaaring mapinsala ay hazard mapping. 6. Ang pakikibahagi ng mga mamamayan sa mga pagtataya ay daan upang maging mabilis at matiwasay ang pagbangon ng bawat isa sa pamayanan. 7. Sa pamamagitan ng Disaster Rehabilitation ang Recovery makababalik sa dating pamumuhay at kabuhayan ang mga lubos na naapektuhan ng kalamidad. 8. Needs Assessment ang tawag sa pagtataya sa pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit at gamot. 9. Ang Disaster Mitigation ay may layunin na mabawasan ang malubhang epekto ng kalamidad sa tao, ari-arian at kalikasan. 10. Isinasagawa ang historical mapping upang makita kung ano ang mga hazard na naranasan sa isang komunidad, gaano ito kadalas maranasan, at kung alin sa mga ito ang pinakamapinsala.