👤

Gawin itong tula ang natutunan kopo ay kung paano mag tanim ng mga halaman at kung paano alagaan ang mga halaman at natutunan ko rin ko paano mag solve at kung paano mag basaat natutunan ko rin gumawa ng mga gawain bahay at makakatulong rin ito sa mga magulang at mag sisikap ako para maabot ko ang pangarap ko at makakatulong rin ako sa mga magulang koat natutunan ko rin gumawa ng mga gawain bahay at makakatulong rin ito sa mga magulang at mag sisikap ako para maabot ko ang pangarap ko at makakatulong rin ako sa mga magulang ko

Sagot :

Answer:

Sa pangkalahatan, mataba ang lupa doon sa amin. Ibig sabihin, karamihan sa mga itinatanim doon ay nabubuhay, lumalago at naaani ang mga bunga at ugat. Hindi ito nangangahulugang hahayaan na lang tumubo at lumaki ng sarili ang mga halaman. May plano rin naman ang ganito at may sistema rin ng pagtatanim, pangangalaga at pagmi-mintina ng mga halamang-gulay.

Una, kailangang pili ang mga buto, o binhi, o punla ng mga halamang gagamitin sa pagtatanim. Kadalasan, ang mga iyon ay galing sa pinakamagandang ani o best crop of the season na pinatuyo at itinabi. Kapag walang naitabing binhi, kailangang bumili sa pamilihan. Kung minsan, maari ring manghingi lamang ng punla sa kamag-anak o kumpare, sakaling may sobra silang binhi.

Kailangang may takdang lupang pagtataniman/ magandangideya.com

Ikalawa, ang plotting. Ang plotting ay ang paghahanda ng lupang pagtatamnan. Ibig sabihin, itatakda, susukatin at lilinisin ang lupang napili. Mamarkahan iyon, saka bubungkalin at paluluwagin ang lupa. Aalisan iyon ng mga kalat, damo at ugat-ugat. Madalas, ang plot ay siya na rin mismong seedbed. Ngunit, depende rin sa halaman. May mga halamang hiwalay ang lupang pinagpapatubuan o nursery ng binhi, doon sa mismong pagtataniman at pagpapalaguan ng halaman. Palalakihin muna ang seedlings o saplings , saka ililipat o ita-transfer sa kanilang designated plots.

Ikatlo, ang mismong pagtatanim. Kailangan, masa-masa o moist ang lupa pag nagtatanim. Hindi pwede kung masyadong itong tuyo at ganoon din naman kung sobrang basa. Kailangan ay kainaman lamang ang looseness and humidityng lupa para makahinga at makakapit ang punla. Pag ang lupa’y tuyung-tuyo, kailangan munang diligan iyon ng kung ilang araw. Pag basang-basa naman, kailangan munang pababain ang tubig, dahil kung hindi, alinman sa malulunod o maaanod ang binhi.

Explanation:

pa brainlest poww(◍•ᴗ•◍)❤