Sagot :
ANSWER:
Ang aking Bayani ay ang aking Magulang
Ang itinuturing kong Bayani sa aking buhay ay ang aking mga magulang, dahil ginagawa nila ang lahat para lamang kami ay mabuhay. Ang kanilang pagsasakripisyo sa pagtatrabaho, ang pagod at hirap na kanilang dinanas upang kami ay mapag-aral ng aking kapatid ay walang katumbas. Ang kanilang dugo't pawis ang maituturing kong kayamanan dahil sa kanila ay naging maganda ang buhay ko. Ang kanilang mga payo na tinanggap ko upang mapabuti ang buhay ko ay isasabuhay ko at dadalhin sa aking pagtanda hanggang sa ako din ay magkaroon ng pamilya. Kaya sa aking magulang ako ay nagpapasalamat dahil sila ang gumabay sa akin mula ng ako'y isinilang hanggang sa kasalukuyan. Binigyan niyo ako ng magandang Edukasyon upang mapabuti ko pa ang aking kaalaman at magamit ito sa pangaraw-araw. Kaya't aking magulang kayo'y aking pinararangalan at pinasasalamatan dahil andito kayo upang gabayan ako sa aking buhay sa mga problema na aking dinadanas dahil kayo ang aking naging sandalan sa oras ng kagipitan. Alam ko ang mga problema na kinakaharap natin ngayon ay pawang pagsubok lamang upang mapatibay pa ang ating relasyon at sa ating pananampalataya sa diyos. Kaya nating lagpasan ang mga pagsubok na ito basta't buong lakas natin itong haharapin. Kaya't sa aking mga magulang ako ay nagpapasalamat dahil kaya niyong magsakripisyo alang-alang sa inyong mga anak.
sila ang aking super hero dahil
masipag sila lagi at laging handa para tayoy ipagtanggol.
EXPLANATION:
HOPE ITS HELPS