👤

1. Minsan pang ginagamit na halimbawa si Fak upang ipakita na hindi na kailangang maghintay pa muna ng kamatayan para tanggapin ang resulta ng masasamang gawa o para mahulog sa impiyerno. Ano ang salawikaing maiuugnay sa pangungusap? * 1 point
A. Kung ano ang iyong itinanim ay siya mo ring aanhin.
B. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang.
C. Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.
D. Kung ano ang puno, siya ang bunga
2. NAGLUBAG ANG KAGUSTUHAN niyang makapaghiganti at unti-unti ay mabagal silang napawi ng tuluyan. Ang ibig sabihin ng salitang nasa malaking titik ay ________. * 1 point
A. nag-iba ng desisyon
B. nagpakumbaba
C. nagbago ang kalooban
D. ayaw na ng gulo
3. Hindi talaga istorbo ang taglamig, dahil ang panahon ay hindi sinlamig ng ibig ipakahulugan niyon. Sino ang tinutukoy na sinlamig ng taglamig? * 1 point
A. Ang kalooban ni Fak
B. Mga tao sa paligid ni Fak
C. Si Mai Somsong
D. Mga bumugbog kay Fak
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tunggaliang tao vs sarili? * 1 point
A. Nag-ipon-ipon ang mga tao sa nayon para pag-usapan ang nagyari ng gabing iyon.
B. Natatandaan ni Fak ang dalawa sa tatlong taong sumalakay sa kaniya ng gabing iyon ay sina Thid Tieng t Tid Song.
C. Walang bumabanggit ng tungkol sa mga taong may kagagawan ng pagkalagas ng mga ngipin ni Fak ay walang nag-abalang mag-imbestiga. D. Lahat ng naganap ng gabing iyon ay naging dahilan para lalo pang magkulong sa sarili niya si Fak hanggang sa maging mas tahimik pa siya sa dati, na tulad ng isang pipi.
5. Sa pagdaraan ng mga araw ay naglubag ang pagnanais ni Fak na maghiganti sa mga taong sumalakay sa kaniya. Ipinakikita lamang nito na si Fak ay isang tao na ________. Ang lahat ay tama maliban sa * 1 point
A. Gusto ay kapayapaan
B. Takot makipag-away
C. Walang sapat na kalupitan para pumatay
D. Sadyang duwag at matatakutin​