Subukin at pagtibayin ang iyong naunawaan sa iyong binasa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na aytem. Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong o pangungusap. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. 1. Ang sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa kanyang sarili maliban sa: a. Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig. b. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng Pagdadalaga/Pagbibinata. c. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito. d. Pagbuo ng makabuluhang relasyon sa kabilang kasarian 2. Bakit mahalagang tuparin ang tungkulin sa pamayanan? a. Mahuhubog ang kakayahan ng tao sa pamumuno. b. Upang maramdaman na ikaw ay kabahagi ng lipunan. c. Ang pakikibahagi ay nakapagdudulot ng pagkakakilanlan. d. May gampanin ang lahat sa kapwa na bahagi ng lipunan. 3. Ano ang magiging kahihinatnan ng pagiging matapat sa pagtupad sa tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata? a. Matitiyak ang ganap na kaligayahan. b. Maging isang magandang halimbawa sa kapwa kabataan. c. Matitiyak ang maunlad at mapayapang buhay. d. Tataglayin ang kakayahan na harapin ang susunod na yugto ng buhay. 4. Ang mga sumusunod ay mas makabuluhang layunin ng isang mag-aaral maliban sa isa . a. Pataasin ang marka b. Pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto c. Matutuhang lutasin ang sariling mga suliranin d. Magkaroon ng maraming kalaro. 5.Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa kalikasan? a. Makikinabang nang lubos ang mga henerasyong darating b. Mapangangalagaan ang kalikasan para patuloy na matugunan ang pangangailangan ng lahat ng tao c. Maiiwasan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan at ang paulit-ulit na mga kalamidad d. Lahat ng nabanggit 6. Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang anak sa kanyang mga magulang? a. Ang magsilbing isang magandang halimbawa sa kanyang mga kapatid. b. Ibigay sa kanila ang nararapat na katumbas ng lahat ng tulong na kanilang naibigay. c. Ang ilaan ang kanyang hinaharap para sa walang pagdaramot na pagtulong sa pamilya d. Sila ay igalang, mahalin at pagkatiwalaan 7. Saan dapat laging nagsisimula ang tungkulin? a. Magulang b. Kapitbahay c. Kaibigan d. Sarili 8. Anong tungkulin ang iyong ginaganap kung tumutulong ka na magsagawa ng mga gawain upang mabawasan ang polusyon sa hangin, lupa at tubig? a. Tungkulin sa Sarili b. Tungkulin bilang mananampalataya c. Tungkulin bilang konsyumer ng midya d. Tungkulin sa Kalikasan 9. Anong tungkulin ang iyong ginagampanan kung nagiging mapanuri ka sa mga bagay bagay na napapanood mo sa telebisyon? a. Tungkulin sa Sarili b. Tungkulin sa Kalikasan c. Tungkulin bilang mananampalataya d. Tungkulin bilang konsyumer ng midya 10. Anong tungkulin ang iyong isinasagawa kapag nakikiisa o nakikibahagi ka sa mga gawain sa inyong baranggay? a. Tungkulin sa Sarili b. Tungkulin sa Kalikasan c. Tungkulin bilang mag-aaral d. Tungkulin sa pamayanan