Sagot :
Bilang isang ordinaryong mamamayan ng Pilipinas, marami pa rin akong maaaring gawin na pwedeng makatulong sa pag unlad ng ating bansa. Una na rito ang pagkakaroon ng kaalaman sa kung ano ang mga katangian na dapat taglay ng isang mabuting lider. Kung alam ko kung sino sa mga politiko ang nararapat na manalo bilang lider ng bansa at kung ako ay hindi magpapadala sa mga opinyon at sinasabi ng iba na walang batayan, makakatulong ako na bigyan ang bansa ng lider na talagang matutulungan ang Pilipinas na maging maunlad sa hinaharap. Tutulong din ako para maturuan pa ang ibang tao at mamulat sila sa katotohanan na nangyayari sa bansa.
#BRAINLYEVERYDAY