Pagtuklas sa dating kaalaman GAWAIN 1: Natalakay sa naunang aralin ang tungkol sa pagsulat ng Feasibility Study at Naratibong Ulat. Napag-alaman na ang feasibility study ay isinusulat upang malaman ang mga sanhi at epekto ng iminumungkahing produkto o serbisyo at kung ito ay naaayon sa pangangailangan sa pamilihan. Binubuo ito ng 9 na mga bahagi sa pagsusulat at napakahalaga ito nsa pagsisimula ng isang negosyo upang matiyak ang matagumpay na paglulunsad sa isang produkto o serbisyo. Samantalang ang naratibong ulat naman ay isang dokumento na nagsasaad ng sunud-sunod na pangyayari o kaganapan sa isang tao o grupo ng tao. Mayroon naman itong iba't ibang elemento na nararapat sundin upang mas epektibo at mahusay ang pagsusulat ng ganitong uri ng sulatin. Panuto: Ipaliwanag kung ano ang pagkakaiba ng feasibility study sa naratibong ulat. Isulat sa isang malinis na papel.