Ito ay ginanap noong Linggo ng pagkabuhay, Marso 31, 1521. Ang misa na ito ay pinamunuan ni Padre Pedro de Valderrama kung kaya naman siya ay kilala bilang pari na nagdaos ng unang misa sa Pilipinas. Ito ay isinagawa sa isang maliit na pulo na tinatawag na ngayon bilang Limawasa sa dulo ng lalawigan ng Katimugang Leyte, na sinasabi ring pinagsilangan ng Romanong Katolisismo sa bansa. Ang pulo kung saan nagpunta sina Ferdinand Magellan matapos mamahinga sa Homonhon, ang unang pulo na napagdaungan nila. Isinagawa ang misa ni Padre Pedro de Valderrama sa baybayin ng isla. Pagkatapos iniutos ni Magellan ang pagtitirik ng isang malaking krus sa ituktok ng isang burol na nakaharap sa dagat.
May dalawang mahalagang pangyayari sa islang ito?
Pangalawa ang pakikipagsandugo ni Magellan sa pinuno ng isla na si Raha Kulambu. Ito ang unang sandugo sa pagitan ng isang Filipino at ng isang Español.
Naging isang matagal na kontrobersiya kung saan naganap ang Unang Misa. Sa mga tala ni Antonio Pigafetta, isinulat niyang “Mazaua” ang pangalan ng pulo. Iginiit ng ilang mananaysay na ito rin ang “Masagua” na binanggit sa ekspedisyon ni Miguel Lopez de Legazpi sa Butuan.
Gayunman, pagkatapos ng pagsusuri sa mga lumang mapa at dokumento, isang monograp ni Fr. Miguel Bernad noong 1981 ang naglinaw na isang pagkakamali ang tradisyong Butuan at ang Limasawa ang tunay na tinutukoy ni Pigafetta na “Mazaua.” Pinagtibay ito ng pag-aaral ni William Henry Scott noong 1982 kung paano nagsimula ang pagkakamaling sa Butuan naganap ang Unang Misa