PAGSASANAY 1 PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na teksto. Isulat ang pangunahing kaisipan ng bawat isa at pagkatapos ay itala ang pansuportang detalye. Ang edukasyon ay mahalagang instrumento para magtagumpay ang isang tao. Ito ay nagpalalaya sa tao sa kamangmangan. Nagkaroroon siya ng sapat na tiwala sa sarili na nakatutulong sa pagharap sa ibat ibang sitwasyon sa buhay. Nagagawa niyang paunlarin ang sariling kakayahan. Nagkaroroon siya ng ganap na kamalayan sa kanyang kapaligiran. Natututong lumikha ang tao ng mga bagay na makabubuti sa kaniya, sa bansa at sa mundo. (halaw sa Panitikang Filipino-Ikawalong Baitang: Filipino Modyul para sa Mag- aaral (Unang Edisyon, 2003) Pangunahing kaisipan: Pantulong na Detalye: 1. 2. 3. 4. 5.