B. May kalayaang pumili ang tao dahil sa kaniyang kilos-loob. Ang tao ay may kamalayan, kaya siya ay may kakayahang (6) at pumili ng nararapat. Siya ay may moral na tungkulin na piliin ang ayon sa moral na batayan. Ang (7) ng kilos-loob ay bahagi ng espiritwal na aspekto ng ating pagkatao. Kaloob ito ng Diyos sa tao upang malaya niyang (8). ang kaniyang pagkatao. Ang tunay na kalayaan ay may tungkuling (9) kaya't inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa ng naaayon sa kabutihan. Ang tunay na kalayaan ay ang tungkuling gumawa ng (10) at iwasan ang masama. Ang tunay na kalayaan ay kabutihan.