Gawain III Panuto:Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Iguhit ang (masayang mukha) sa patlang kung wasto ang isinasaad ng bawat kalagayan ot (malungkot na mukha) kung hindi wasto, 1. Nasunugan ang kapitbahay nina Marilyn at Minerva kaya't kaagad silang nakipag-ugnayan sa kanilang kamag-anak na nagtatrabaho sa ibang bansa upang humingi ng tulong pinansiyal. 2. Bilang pangulo ng Samahan ng Kabataan sa kanilang pamayanan, binalewala ni Lorena ang takdang gawain niya, ang pagkakalat ng balita hinggil sa napipintong pagbaha dulot ng paparating na malakas na bagyo. 3. Nabalitaan nl Lyra na kabilang ang lugar nila sa makakaranas ng mahabang tagtuyot, kaagad pinulong ni Lyra ang kanilang kapitbahay upang maiwasan ang sunog sa panahon ng tag-init. 4. Nasalanta ng bagyo ang iyong karatig-pook. Nangalap ka ng tulong sa mga kakilala mo upang maipamahagi sa kanila. 5. Unahin ang sariling kapakanan sa panahon ng kalamidad bago isipin ang kapakanan ng iba. 6. Pangunahan ang pagtitipon ng mga patapong bagay na maaari pang maipagbili upang makakalap ng pondo na gagamiting pambili ng mga gamit na kailangan ng mga taong nasa evacuation centers na biktima ng lindol. 7. Maging bukas ang isipan sa pagtulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng pangunguna sa pagbibigay ng babala. 8. Ang pag-iingat ay tungkulin ng bawat tao kaya't di na kailangan ng tulong ng iba para sa kanilang kaligtasan. 9. Maging halimbawa sa mga gawaing kinapapalooban ng kawanggawa. 10. Ang pagsisimula ng pamumuno ay isang mahalaga at kapaki-pakinabang na gawain ay tungkulin lamang ng taong nasa wastong gulang na.
paki sagot Po ng maayos
ibibrainlist ko po kayu promise
![Gawain III PanutoBasahin Ang Mga Sumusunod Na Sitwasyon Iguhit Ang Masayang Mukha Sa Patlang Kung Wasto Ang Isinasaad Ng Bawat Kalagayan Ot Malungkot Na Mukha K class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d4b/f7d4d05d1b368b78b586442da6e50ea9.jpg)