👤

pa help po

1. May mga hakbang na isinagawa at batas na ipinatupad para sa pagsasarili ng ating bansa mula sa pananakop ng Estados Unidos. Isa na rito ay ang Philippine Organic Act o Batas ng Pilipinas 1902. Alin sa mga sumusunod ang hindi itinadhana sa batas na ito?

A. Maging kabisera ng Amerika ang Pilipinas.
B. Talaan ng mga karapatan ng mamamayang Pilipino.
C. Pagtatag ng mga kagawaran at departamento ng pamahalaan.
D. Pagtatag ng Asamblea ng Pilipinas sa taong 1907 na binubuo ng mga Pilipino.


2. Ang patakarang ito ay tumutukoy sa unti-unting pagpapalit ng mga pinuno at kawani sa pamamahala sa bansa mula sa mga Amerikano tungo sa mga Pilipino. Ano ang tawag dito?

A. Demokrasya
B. Pilipinisasyon
C. Makabayan
D. Kalayaan

3. Noong Disyembre 10, 1898 nilagdaan ang Kasunduan sa Paris na naglilipat ng kapangyarihan sa pamamahala sa Pilipinas sa mga Amerikano. Alin sa mga sumusunod ang pamahalaang ipinatupad ng mga Amerikano sa bansa?

A. Pamahalaang Monarkiya
B. Pamahalaang Demokratiko
C. Pamahalaang Totalitaryan
D. Pamahalaang Militar\

4. Ang Batas Tyding McDuffie ay isa sa mga hakbang ng mga Pilipino upang makamit ang kalayaan. Ano ang isinasaad nito?

A. Batas para ipagbawal ang paggamit ng Ingles.
B. Batas para sa paggamit ng likas na yaman ng Pilpinas.
C. Batas na nagtatadhana para magbigay ng kasarinlan sa Pilipinas.
D. Batas para maibigay ang kalayaan ng mga Amerikano.

5. Oktubre 1907 nang maitatag ang Asamblea ng Pilipinas at nagkaroon ang mga Pilipino ng pagkakataong makalahok sa pamamalakad sa pamahalaan. Nahirang si Sergio Osmena bilang Tagapagsalita o Ispiker. Sino naman ang nahirang na leader ng Mayorya o Majority Floor Leader?

A. Elpidio Quirino
B. Manuel L. Quezon
C. Manuel Roxas
D. Jose P. Laurel