Sagot :
Answer:
the pandemic is like a virus because all people so many die in covid-19 so many people is crying because the cuvid19 we pray for God ang will never give up
Explanation:
i hope it helps
Answer:
Mabilis ang mga pagbabago sa daigdig natin sa kasalukuyan. Ngayong dinadagsa tayo
ng masasamang balita, mahirap umiwas sa pag-aalala para sa iyong sarili, maging sa
mga mahal sa buhay.
Kahit sa mga panahon ng kasaganahan, karaniwa’y mayroon pa ring pag-aalala at pagkabalisa, at kapag ito ay nangibabaw, maaari itong manaig. Dito sa Psychology Tools,
gumawa kami ng libreng gabay upang matulungan kayong pamahalaan ang inyong
pag-aalala at pangamba ngayong panahon ng pag-aalinlangan.
Matapos ninyong basahin ang impormasyon dito, maaari ninyong subukang gamitin
ito sa inyong pamumuhay, kung sa palagay ninyo ay makatutulong ito. Natural lamang
na dumaan sa paghihirap sa mga panahon ng pagsusubok, kaya’t kailangang makiramay
at tandaang alagaan ang iyong sarili at mga kapwang nakapaligid sa iyo
Ang tao ay may kakaibang kapangyarihang isipin ang hinaharap at mga kaganapan
bago pa sila maganap. Ang maagang pag-iisip tungkol sa hinaharap ay nagbibigay sa
atin ng kakayahang makita ang di-inaasahang mga hadlang at suliranin, at nagbibigay
din ng pagkakataong maghanda ng kalutasan. Halimbawa, ang paghuhugas ng kamay
at social distancing, o ang pagtatalaga ng sapat na pagitan sa bawat mamamayan, ay
mga bagay na ginagawa natin upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Gayunpaman,
ang pag-aalala ay isang uri ng maagang pag-iisip na madalas ay nagbibigay satin ng
pagkabalisa, o kaya’y pagkabahala. Kadalasan, kapag tayo’y laging nag-aalala, naiisip
natin kung ano ang pinakamasamang maaring mangyari, at natatakot tayong di natin
ito kakayanin.
Kapag tayo’y nag-aalala, maaaring ito’y maging isang sunud-sunod na mga pakiramdam,
o mga saloobin at mga imahe na palala nang palala, hanggang sa ito’y magmukahng
malaking sakuna na di na malaman kung saan patutungo. May mga taong nakararanas
ng pagkabalisa na hindi nila mapigilan, tila ba ito’y may sariling buhay. Natural din
lamang na marami sa atin ang kamakailan lang ay napansing tayo mismo ay nag-iisip
ng mga malawakang sakuna bilang patutunguhan ng kasalukuyang sitwasyon. Ang
susunod na halimbawa ay isang paglalarawan kung gaano kabilis lumala ang isang
pangkaraniwang bagay dahil sa ating pangangamba. Napansin niyo ba kung kayo’y
nagkaroon na ng ganitong uri ng mga saloobin? (pagtatapat: kami rin!)
Explanation:
Pa=Branliest po