👤

magsaliksik patungkol sa mga apekto/aspetong nalilinag sa pakikipagkapwa​

Sagot :

Answer:

Ang mga aspeto ng tao na nalilinang sa pakikipag-ugnayan sa kapwa ay ang mga pangkabuhayan, politikal, panlipunan, at intelektwal.

Nalilinang ang pangkabuhayang aspeto sa pakikipagkapwa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa trabaho at pagkakaisa.

Ang aspetong panlipunan ay nalilinang sa pakikipagkapwa sa pamamagitan ng pakikipaghalubilo sa tao kahit ano pa man ang estado sa buhay, paniniwala, kulay at nasyonalismo, at kulturang pinanggalingan.

Nalilinang ng pakikipag-ugnayan sa kapwa ang politkal at intelektwal na aspeto sa pamamagitan ng pakikipag-uspap at pagbabahagi ng mga ideya at kaalaman sa iba’t ibang bagay, at pagiging mas bukas ang kaisipan sa mga ideyang ito at mga paniniwala o pinaniniwalaan.

Ilang aspeto rin na nalilinang ng pakikipagkapwa ay ang ispiritwal at moralidad, emosyonal, at pisikal. Sa pisikal, nalilinang nito ang lakas. Sa emosyonal, nalilinang nito ang pakikiradam sa nararamdaman ng iba. Sa ispiritwal at moralidad, nalilinang nito ang paniniwala sa Diyos at ang kabutihang nais gawin at isapuso.

Explanation:

Hope it help TnT TnT TnT