👤

ipaliwanag kung bakit ang demand ay bababa o ang demand ay tataas​

Sagot :

Answer:

Ang Demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na kaya at handang bilhin ng mga konsyumer sa alternatibong presyo sa isang takdang panahon. Ang presyo ay may malaking impluwensisa sa pagtatakda ng demand ng mga konsyumer. Ito ang pangunahing salik na nakapagpapabago ng demand ng mga konsyumer. Ang demand ay maitatakda kung ang konsyumer ay may kakayahan at kagustuhan na bilhin ang isang produkto o serbisyo. Ito ay kailangang sabay na umiiral upang maitakda ang demand ng konsyumer, na siyang pangunahing aktor ng konseptong ito. Sinasabing ang demand at presyo ay laging magkaugnay at ito ay mailalarawan sa iba't ibang paraan.

Explanation:

Pa Brainliest

Answer:

Kapag tumaas ang supply at hindi nagbago ang demand, bababa ang ekwilibriyong presyo. Tataas naman ang ekwilibriyong dami ng bilihin.

Kapag bumaba ang supply at hindi nagbago ang demand,tataas ang ekwilibriyong presyo. Bababa naman ang ekwilibriyong dami ng bilihin.

Kapag tumaas ang demand at hindi nagbago ang supply, tataas ang ekwilibriyong presyo. Tataas din ang ekwilibriyong dami ng bilihin.

Kapag bumaba ang demand at hindi nagbago ang supply,bababa ang ekwilibriyong presyo. Bababa din ang ekwilibriyong dami ng bilihin