Sagot :
Answer:
mining can damage the environment
Explanation:
the major disadvantages the coal is its negative impact on the environment.coal burning energy plants are a major source of air pullution and greenhouse gass emissions
Question:
5. What is a disadvantage of using coal as an energy source?
D.
Tagalog na Paliwanag.
- Traditional Explination
Mga Karagdagang Impormasyon:
Ang epekto ng pagmimina sa ating kalikasan
Pagunawin!
- Show & Tell
Ang pagmimina ay prosesong paghuhukay at pagkuha ng mga bagay mula sa lupa. Ang anumang materyal na hindi na malilikha at mapapalago ay kailangang minahin. Ang pagmimina ng mga bagay mula sa lupa ay tinatawag na ekstraksyon, paghango, o paghugot ng mineral mula sa lupa. Makukuha ang mga metal at mga mineral sa paghahango katulad ng uling, ginto, pilak, platinum, tanso at bakal, gayundin ang langis. Nagagamit ang mga ito sa paggawa ng bahay, gusali, alahas, mga makabagong teknolohiya at maari ring gamitin sa paggawa ng pera. Ngunit ano nga ba ang magiging epekto ng pagmimina sa kalikasan kung patuloy itong inaabuso?
Aralin!
- Learn
Ayon sa U.S Geological Survey, nabibilang sa unang pwesto ang Pilipinas sa pag ‘produce’ ng nickel at nasa ika-dalawampu’t walong pwesto naman sa pag ‘produce’ ng ginto. Pero sa dinami-rami ng mga binubungkal na mineral sa ating mga lupa, nasisira at unti-unti nang nauubos ang ating yamang mineral at kung ipagpapatuloy pa ito baka ito ay tuluyang maubos. Isa na ring epekto ang pagkakalbo ng kagubatan at pagkasira ng karagatan. Nagkukulay kalawang na ang ilang ilog at baybaying dagat dahil sa ‘siltation’ o pagdami ng deposito ng lupa mula sa malalaking minahan. Naapektuhan na rin ang hanap buhay ng mga nakatira malapit sa dalampasigan dahil paunti na ng paunti ang mga nahuhuli nilang isda dahil namamatay ito dahil sa pagkalason.
Habang patuloy na hinuhubaran ng mga minahan ang ating kalikasan, patuloy ding nawawalan ng tirahan ang mga hayop. ‘People’s Mining Bill’ ang batas na naglalayong ibasura ang mga mapaminsalang naging epekto ng pagsasabatas ng ‘Mining Act of 1995’ na nagtatadhanang pawang mga minahan lamang ang nakikinabanang kapalit ang pagkasira ng kalikasan at kamatayan sa mamamayan.
Binigyan diin ni Ginoong Africa, Malaki ang bentahe ng paglaban ng mga mamamayan sapagka’t narito ang iba’t ibang porma mula sa legal at maging armadong paglaban sa mga malalaki at mapaminsalang mga minahan. Lumalawak nga ang mga banta ng mapanirang pagmimina sa bansa pero lumalawak din ang paglaban ng mga mamamayan.
Pagyamanin!
- Acknowledge
Huwag na sana nating hintayin pa na pati tayong mga tao ay mawalan na rin ng tirahan gaya ng mga hayop. Ang disiplina ay magmumula sa atin. Huwag abusuhin ang kalikasan bagkus ay marapat lamang na ito ay pangalagaan dahil dito nanggagaling ang mga bagay na mapapakinabangan natin, gaya na lamang ng mga mineral na ginagamit natin sa araw-araw. Tama na ang pang-aabuso at imulat natin ang ating mga mata sa mga pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran.
Sorry po na ito ay tagalog...(ᗒᗩᗕ)
Hope it helps! (◕ᴥ◕)